Saturday, December 24, 2005
christmas rush
it's seven hours before christmas and i'm still stuck in the office...but i'll be home for christmas...hahaha!
Thursday, December 15, 2005
minamalas!
note: this is not about mojofly's song minamalas...
i really hate this day! puro malas ang inabot ko. kakabirthday ko pa naman kahapon.
- una...iniwan ako ng partner ko sa work kasi daw hindi pa nag-aalmusal ang tatay nya. buti sana kung sinabi nya kaagad sa akin nung nasa office pa kami, e nagdecide sya nasa area na kami and malayo kaya yun sa downtown area. pagkababang pagkababa namin sa jeep, sinabi nya kaagad na may pupuntahan daw sya. sabi nya pa, dun daw muna ako umupo sa may carenderia sa tabi kasi madali lang naman daw yung lakad nya. he promised to be back at 11:30. pagtingin ko sa relo, it was only 10:15...ano, tatanga ako dun sa may carenderia ng lampas isang oras?!?! ok lang sya? e kung isumbong ko kaya sya sa boss namin...pakshet! kelangan nya daw puntahan ang tatay nya dahil hindi pa daw nag-aalmusal at may ulcer daw yun. HALLER! hindi ba kaya ng tatay nya na kumain mag-isa? kaya nya nga magtext, yun pang kumain ang hindi nya makayang gawin? kelangan pa ba nya ng tigasubo? e di sana nag-hire na lang sya ng private nurse kung ganun! i didn't argue with him because i know wala ring mangyayari kung makipagtalo man ako. dadami lang ang wrinkles ko. hindi ko rin sya tinanong kung gaano kaimportante ang lakad nya, at kung ano talaga ang reason behind that. i was really pissed off!
- pangalawa...at dahil nga nabadtrip na ako, naisipan kong pumunta na lng ng mall at kumain sa mcdo. walan gsounds sa mcdo, masyadong tahimik that's why i decided to plunge on my iPod. to my surprise, the battery was empty! i wasn't able to charge it yesterday, waaahhhh!!! di na jud ko palabot ani!
- pangatlo...delayed fieldwork, walang iPod kaya yung cellphone ang napagbalingan ko. buti na lang at unlimited ako so i could text my friend as long as i want. tumunog ang cellphone ko, i thought it was from irene dahil sya ang katext ko ng mga panahon na yun. surprise, surprise! it was from 2870 informing me that my globe nonstop text promo has been inactive...clap! clap! clap! pakilabas ng cameras please...is this suppose to be a post birthday surprise? is this a practical joke for my birthday or what? i was waiting for carlos agassi to appear from behind and say VICTIM! but there was none.
this is one helluva day! sige, sagarin nyo na ang lahat ng kamalasan, hwag na kayong magtira para bukas o sa isang araw, itodo nyo na! thursday is supposed to be my lucky day pa naman. hmp!
Saturday, December 10, 2005
last song syndrome
location: dlpc ponciano office
current mood: :)
kasalukuyan akong naghahanap ng meter numbers ng mga hinayupak na respondents namin for next weeks survey. masyadong tahimik ang opisina. walang speaker ang computer ko kaya useless pang magplay ng windows media player. inaaliw ko na lamang ang sarili ko sa pagkanta. at dahil sabado, iilan lamang kaming naiwan sa office. malakas ang boses ko, sinlakas ng loob kong kumanta with feelings. paulit-ulit kong kinakanta ang chorus ng "TULOY" ng Stonefree. hindi ko ito napapansin, ngunit sa kasamaang palad ay napansin pala ito ng mga kasama ko..."Hehehe", ang aking tanging naisagot sa kanilang pagpuna. and the chorus goes like this:
tuloy, tuloy ang ikot ng mundo
hindi ito hihinto para lang sa iyo
at kung ikaw ay maiwan
ako'y babalik, ako'y babalik
at di ka pababayaan...
Subscribe to:
Posts (Atom)