Saturday, October 23, 2004

saturday sunshine


Reasons why I love coming to work on saturdays:

·Napatugtog ko na lahat ng entries sa playlist ng winamp.
·Highest scorer na ako sa lahat ng games sa pc ko
·Na-check ko na lahat ng emails ko, nagreply na din ako sa mga dapat
kong replyan.
·Nag-update na ako ng friendster account ko.
·Nabasa ko na lahat ng articles sa http://peyups.com
·Nakailang posts na rin ako sa http://pinoyexchange.com
·Na-visit ko na lahat ng blogs at websites na paborito kong puntahan

Lahat ng pwede kong gawin para palipasin ang oras nagawa ko na, pero ang bagal pa rin umikot ng relo. Kahit anong gawin ko, ayaw pa rin tumapat ng short hand sa #5 at ng long hand sa #12. Hindi naman ako pwedeng lumabas ng office. Mas lalong hindi ako pwedeng maglakadlakad dito sa department namin dahil magmumukha naman akong tanga. Kailangan magmukha akong busy. Kailangan magmukha pa rin akong nagtatrabaho at nag-aanalyze ng kung ano mang pwedeng i-analyze na work-related, kahit na ang talagang focus ko ay makuha ang possible longest words sa text twist.

10..9..8..7..6..5..4..3..2..WWWOOOOOOOOOOO……hay, salamat! Nibagting na jud.

No comments: