Thursday, February 24, 2005

confused


valentine's day ay tapos na
pero buwan ng Pebrero ay hindi pa
isang araw na lang ay babay na
kung gusto kong magpaka-senti ay pwede pa

ilang beses na rin akong nagpaka-feeling
akala ko may pagtingin ka sa akin
dahil na rin sa mga sulyap mo't hirit
na sa tingin ko ay hinog sa pilit.

puso ko ay confused
utak ko ay overused
sa bawat text message mo
lalo lang gumugulo

isang play pa ng "heaven" sa radyo
babasagin ko ito't ibabato
paulit-ulit na naririnig ko
boses mong pwede na kahit sintunado

ako'y nagpapaka-over,
wala akong pakialam whatsoever
parang gusto kong magka-fever
'di ko alam kung ito ay forever...


history: i wrote this on feb. 28, 2003 (12:32 am).

this is for the guy who loves to eat durian and uses the Phil. Eagle for his pick-up line. His one and only line that made my mouth shut for the rest of the day. wala akong naisagot sa sinabi nya because i wasn't so sure if it was just a joke. but even if it wasn't, i still don't know how i will react. kahit yung mga friends ko hindi rin nakapag-react. i was shocked because we were used to answer every joke that they throw at us but this one is an exception. one of my friends answered back after minutes of silence, but it was not the answer that i wanted to give. sinakyan ko na lang din para lang hindi ako matameme.

he texted me that night before their flight back to manila. hiningi nya pala ang # ko sa isa kong friend. wow naman, kung gaano kataas ang building ng Landco, feeling ko ganun din kahaba ang hair ko, hehehe...

saka lang ako nakaisip ng magandang sagot the day after it happened. shet! kung kelan bumalik na sya sa manila saka ko pa naisip ang dapat kong isagot...double shet! weeks after, nawala ang cellphone nya...triple shet! na-block ang sim ko...wwwaaaahhhh!! kung kelan ok na sana...akala ko talaga yun na, hindi pa pala...kung bakit kasi andaming hadlang!

p.s. dalawang poems ang ginawa ko para sa kanya, pero nawawala yung kopya ng isa kaya ito na lang muna ang pinost ko...i still have to find the other one. tamang-tama holiday bukas maglilinis ako ng kwarto...abangan!

No comments: