Sunday, February 27, 2005
kasalanan mo
ikaw ang dahilan kung ba't ako lonely
ikaw ang dahilan ng tagihawat sa aking pisngi
kasalanan mo kung ba't gusto kong magka-steady
ikaw rin ang may sala kung ba't ganito ako ka-corny.
load ko ay nauubos nang dahil sa 'yo
laman ng cellphone ko puro messages mo
kahit simpleng "ok" sini-save ko
mabasa lang pangalan mo, solb na ako.
kahit minsan ako ba'y iyong naisip?
parang hangin nag-iba yata ang iyong ihip
mula nang lumisan ikaw yata ay naidlip
sikat ng araw 'di ko na masilip.
mabuti pang hindi ka nakilala
e di sana ngayon 'di kita naaalala
mabuti pang umalis ka ng walang sinabi
hindi sana ako umasa't nasaktan ng ganito katindi.
fyi: sinulat ko ito nung may 18, 2003 (4:30 pm) habang naghihintay ako ng oras ng uwian. tambak ang trabaho ko ng mga panahong 'yun pero masyado pa akong pre-occupied sa mga pangyayaring naganap nung company outing namin sa camiguin. ano bang kinalaman ng camiguin sa poem na ito? wala naman, naalala ko lang kasi ang camiguin at malapit na rin ang summer. ito nga pala yung second poem na ginawa ko para dun sa lalaking mahilig kumain ng durian at ginamit pa ang Phil. Eagle sa kanyang pick-up line. nakita ko rin ang kopya matapos ang ilang oras na paghahalughog ko sa mga nagkalat na papel sa aking kwarto. buti na lang nagkaroon ng People Power holiday at nagkaroon ako ng oras para maglinis ng kwarto.
abangan: may isa pa akong ginawang kasing-corny din nito pero hindi na 'yun para sa kanya, para sa sumunod sa kanya yun. next time ko na lang uli ipo-post.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment